Real Estate Blog PHILIPPINES

Providing real estate facts (and more) in the Philippines since 2017.

Mala-New Zealand: Mountain ridge sa Sultan Kudarat patok sa mga turista

Marami ang nabibighani sa mga tanawin mula sa La Palmera Mountain Ridge sa bayan ng Columbio, Sultan Kudarat.Β (C) Hernel Tocmo

Marami ang namamangha sa mga magagandang tanawin sa La Palmera Mountain Ridge sa bayan ng Columbio, Sultan Kudarat, na naging patok sa mga turista mula nang mag-viral sa social media noong nakaraang taon.

Tampok sa mountain ridge ang mga burol at talampas, na inihahalintulad ng ibang dumarayo roon sa mga tanawin ng Batanes at bansang New Zealand.



Kadalasang binibisita ng mga turista ang La Palmera tuwing weekend ngayong mas maluwag ang mga quarantine protocol doon.

Pero kailangan pa ring sumunod ng mga bisita sa minimum health standard tulad ng pagsusuot ng face mask at pagpapanatili ng physical distancing.

Marami ang nabibighani sa mga tanawin mula sa La Palmera Mountain Ridge sa bayan ng Columbio, Sultan Kudarat.Β (C) Hernel Tocmo

Ayon sa isa sa mga turista na si Bellie Jane del Mundo, isang librarian mula Davao City, tiniyak niyang lagi siyang naka-mask para maprotektahan ang sarili sa banta ng coronavirus.

Masaya umano si Del Mundo na mabisita ang La Palmera dahil sa nakabibighani nitong mga tanawin.



Puwede ring kumuha ng retrato ang mga bisita sa viewing deck.

Bukas ang La Palmera araw-araw, maliban tuwing Huwebes, mula alas-5 ng madaling araw hanggang alas-5 ng hapon. Mayroon doong P50 day tour fee.

May 3 oras na biyahe mula Davao City papuntang Columbio.


Article and Photo originally posted by ABS-CBN News last March 28, 2021, 1:14pm.

About Post Author