Ibinebenta ng aktres na si Rufa Mae Quinto ang kaniyang two-storey condominium unit sa Makati City.
Sa Instagram, ipinasilip ni Rufa Mae via virtual tour ang kaniyang condo unit na ibinebenta niya sa halagang P45.5 milyon.
May sukat na 146-square-meter ang fully furnished na condo unit na may maidβs room din, at may kasama ring two car parking slots.
Makikita ang condo unit ni Rufa Mae sa San Lorenzo Tower of The Residences sa Greenbelt.
Puwede rin itong rentahan sa halagang P150,000 sa isang buwan.
Hindi binanggit ng aktres kung ano ang dahilan kung bakit niya ibinebenta o pinaparentahan ang kaniyang condo unit.
Pero sa Amerika na nakabase ang mister ni Rufa Mae na si Trevor Magallanes kaya madalas din sila ng kaniyang anak na si Athena na wala sa Pilipinas.
Bumalik ng bansa si aktres kapag may proyekto gaya ng pagiging celebrity guest judge niya sa βDrag Den Philippines” Season 2. β FRJ, GMA Integrated News
If you like this article, share it on social media by clicking any of the icons below.
Or in case you haven’t subscribed yet to our newsletter, please click SUBSCRIBE so you won’t miss the daily real estate news updates delivered right to your Inbox.
The article was originally published in GMA News.
More Stories
Real Estate 2024 and Beyond: A day of learning, innovation, and inspiration!
Lamudi Recognizes Top Developers, Launches New Platform at The Outlook 2024: Philippine Real Estate Awards
πππππ π πππ πππ ππππππ ππ ππππ ππππππ πππππππ!